Plain Tumblr Themes
There it goes.

20teen and I love to eat lasagna.

FB. | TWiTTER.

THOUGHTS.| DRAWSHITS.| PHOTOS.| SOUNDTRIP.

DEAR YOU.








1/1

Ang taong ito ay nakapagbigay sakin ng sobrang kasiyahan, kalungkutan, kasasabikan, at kung ano ano pang feeling. Simula pa lang ng taong yan eh masaya na dahil January, January ang 2nd anniversary namin. Syempre masaya, nagcelebrate kaming dalawa. Madaming mga nangyari sa unang bwan pa lang. Pagdating ng February ganun pa din, medyo nasasabik na kami ng panahon na yan dahil malapit na kami maginternship kapag naipasa namin yung Thesis namin. At thank God naman talaga at nakapasa kami! :) March naman puro exams na, syempre kelangan ulit namin makapasa sa mga exams dahil kapag hindi, hindi kami makakapaginternship. Kasi after 3years, internship talaga ang pinakaaabangan ng mga RT Students ng La Salle, syempre kasi kakaiba kapag feeling mo nasa field ka na talaga diba? :) Pagdating ng April, bigayan ng grades, at nakapasa kami! Hindi man lahat sa tropa namin, eh masaya pa din kami dahil halos lahat kami eh magiintern naaaa! Naassign sa iba’t ibang hospitals, at nalungkot ako dahil naassign ako sa Cebu (Perpetual Succour Hospital). Excited kasi kakaiba kapag napunta sa ibang lugar, at nakakalungkot kasi magkakahiwalay na ang tropa namin. Minsan na lang kung makakagala. Nagstart ang internship namin ng April 11. Lahat kami ay excited sa kanya kanyang hospital na magsimula. Kanya kanyang kwento tuwing Friday. Malungkot pa din ako dahil alam kong mapupunta ako sa malayong lugar at maiiwanan ko sya. Habang tumatagal, nageenjoy na kami sa ginagawa naming pagduduty sa hospital. Madaming natutunan, madaming kalokohan, madaming nakilala. Kakaibang experience talaga! Pagdating ng June, medyo nararamdaman ko na ang malapit na pagpunta ko ng Cebu. Minsan na lang kami magkasama, kasi busy na sa duty. Hindi pa minsan magkatugma ang oras. :( July na! At konting araw na lang at aalis na ako. Nakakalungkot talaga dahil talagang sinusulit na namin ang bawat araw at oras na magkasama kami. Kahit hindi ko sya nakita before ng flight ko eh ok lang dahil magkatext pa din kami. Pero nakakalungkot talaga :( Mahirap mapalayo sa mga taong mahal mo ng ilang bwan. Sa bwan din na to nagkaroon ng problema, misunderstandings, away, selosan, tampuhan at birthday ko. Malungkot yung Birthday ko kasi hindi ko sya kasama at magkaaway kami. Dumating ang August, sobrang lungkot ko na sa Cebu at gustong gusto ko na umuwi ng time na yan, :( Dyan din natapos lahat lahat sa amin. :( Mahirap, kasi kahit gusto kong makipagayos sakanya, ang hirap ng nasa malayo ka. Ginawa ko lahat ng effort para makausap sya, tinawagan, tinext. Kaso wala eh. :( Sumuko agad sya. :( Noong September na, excited na excited na akong makauwi. Syempre para magkausap na din kami. Gustong gusto ko na syang makita noon. Gustong gusto ko na makasama. :( Noong October, nagkakaroon ng pagkakataon na nakakapagkita kami at nakapaggala pa sa Glorietta. Pero hindi pa din kami, pero yung sweetness andun pa din, yung holding hands, yakapan, at syempre ang mga unexpected kisses. So far naging masaya ako kahit papaano. Kasi kahit konti, naramdaman kong mahalaga pa din ako sakanya, kahit hindi na kami. Napapaisip na lang ako ng ano ba talaga? Ang gulo ng nangyayari. Pagdating ng November, hindi na kami masyadong nakakapagkita. Siguro naiwas na din sya? Ewan ko. Ang daming kasing epal sa paligid. Ang daming kwento. Ang daming issue, tungkol sa aming dalawa at sa ibang tao. DECEMBER—-pinakahindi ko makakalimutang month ng 2011. Dito ko naramdaman talaga lahat ng sakit. Bumuhos ng sobra yung mga luha ko. Dahil sa month na to nalaman kong may iba na syang gusto. Sobrang sakit kaya marinig sa taong sobrang minahal mo na may gusto syang iba. Idagdag mo pa yung mga taong paulit ulit pinapaalala saken lahat lahat sa aming dalawa. Kahit gustuhin kong magmove on, hindi ko magawa dahil araw-araw naalala ko sya, kahit anong gawin ko, kahit san ako magpunta. :( Neto ko lang din nalaman na nililigawan nya na din yung girl. :( Sobrang gumuho yung mundo ko. Kahit yung pasko at bagong taon ko naging sobrang malungkot. Hindi ko naeenjoy ang araw. Gabi gabi akong naiyak. Biruin mo, nagpunta pa ako ng Baclaran Church dahil sa sobrang lungkot ko, at wala na akong ibang masabihan ng sakit ng nararamdaman ko kundi si God na lang. Ginawa ko lahat ng makakaya ko, kaso parang hindi na talaga nya gusto pa. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng lumayo. Pero bakit ang hirap hirap mo mawala sa isipan ko? :/

Sana maging maganda ang dating ng 2012 sakin. Sana ngayong taon, magawa ko lahat ng gusto kong gawin. Makamit ko lahat ng gusto kong makamit. Mapuntahan ko lahat ng gustong puntahan. Makalimutan ko lahat ng gusto kong kalimutan. Mawala lahat ng sakit na gusto ko ng mawala sa puso’t isipan.

Thank you 2011, madami akong natutunang aral at kwento sayo. Natutunan kong hindi lahat ng kaibigan mo eh mananatili at magiging totoo sayo. Hindi lahat ng gusto mong makasama habang buhay eh makakasama mo till the end. Hindi lahat ng masasayang bagay eh forever na, yung iba once upon a time na lang. :(


Tagged as: Thoughts, dear you,