Kung sino man siya, alam kong magiging masaya ka. Naka-plano na kasi ang buhay natin kay God. Kung marunong kang maghintay, dadating siya. Kung marunong kang makuntento, ‘di ka na hahanap ng iba. Kung magiging open ka sa lahat ng bagay, maiintindihan mo kung bakit lagi kang nabibigo sa tuwing may dumadating na tao sa dyan buhay mo. Kung kaya mo nang mag-seryoso at maging responsable, ibibigay siya sa’yo. Minsan kasi kailangan din natin mag-isa sa buhay, hindi pwedeng lagi tayong may kasama. Siguro isa ‘yun sa mga challenge ni God. Sinusubukan niya kung kakayanin mo ba ang lahat kahit mag-isa ka lang at sinisigurado niya kasi na this time, deserving ka na para makilala siya…