Anak nyo ba talaga ako? Ilang beses ko ng tinanong to sa sarili ko. Hahahaha, wala lang. Kasi lagi nilang sinasabi ako lang daw ang kakaiba sa pamilya namin, halimbawa na lang yung si Mudra, kulot, si Pudra, kulot, si Ate, kulot, si Kuya, kulot, AKO? Hindi ako kulot. :( Hahahaha! Parang tanga lang ako mag-isip eh noh? Tapos kay Mudra YATA ako nag-mana ng kaputian, si Pudra kasi medyo moreno, si Ate naman morena din, ngayon lang pumuti, tapos si Kuya naman moreno din. Haha, enebe?! :)) Pero kahit ano mangyari, mahal na mahal ko pamilya ko. :D