Wag na wag mong subukang sasabihing ako yung nagkaroon na pagkakamali sa nangyari noon. Sumuko ako kasi ang inakala ko magiging tulad lang ng normal na pag-aaway na magiging ok din ang mangyayari, pero sumuko ka din agad. Hindi ako yung nagkulang kasi ginawa ko lahat para maging maayos, ginawa ko lahat lahat ng paraan, yun pala may nakita kang bago, o sya ang nakakita sayo? Ang feeling ko lang ngayon ay ginago ako ng taong sobrang minahal ko sa buong buhay ko. Gago ka din pala. Ang laki mong gago. Dahil sayo nagbago ang pananaw ko sa buhay, ayoko na ng relasyon. Hindi na ako maniniwala sa kahit sinong lalaki na lalapit sa akin, kasi ganun din ang mangyayari. Paulit ulit lang mangyayari ang lahat. Magagago lang ako ulit. Kaya ayoko na magmahal ng sobra sobra. Kung pwede lang sarili ko na lang talaga mamahalin ko simula ngayon. Tama na yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Akala ko talaga noon hindi mo kayang gawin yung ganyang bagay, tama nga sila, nakakamatay ang AKALA. Binigay ko lahat lahat sayo, pero nakakita ka ng iba. Ano’ng meron? Hindi ko maintindihan kung bakit nakayanan mong ipagpalit yung dalawang taon sa dalawang bwan na nawala ako sa tabi mo. Tol! Dalawang bwan! Dalawang bwan lang yun! Bakit hindi ka makapaghintay? Bakit hindi ka makapageffort noon? Naiinis lang ako sa tuwing tinatanong ako ng tao kung bakit, ang sinasabi mo sakanila AKO ang nakipaghiwalay, oo ako talaga kasi di ko na kaya. Nakakainis pa yung mga taong sa paligid na gumagawa ng kung ano anong kwento. Bakit? Bakit kelangan pa ng ganito? Nakaka-tangina naman. Sana mawala ka na lang para hindi na kita makita pang muli at makalimutan ko lahat ng alaalang naipon sa loob ng dalawang taon na kasama kita.
-Funny. Natawa ako nung nakita ko to sa drafts ko, i typed this last December 31? Sobrang bitter ko naman noon. Pero ok lang, ok na ako ngayon eh. Hahaha natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ko noong time na yan. This would be the last draft that I will post. :))