Kagabi ang huling RT Expose na mapupuntahan ko bilang estudyante ng La Salle. Hahaha, nakakatuwa na din kasi may mga nagperform ng folk dance, may sky lantern pa, at syempre FOODS! Dun naman ako palagi nageenjoy, palaging may free food sa ganitong occasion. After ng RT Expose, pumunta kami ng Chicha Bab’s para magchill lang. Pero sa kasawiang palad, puno ang chicha. Lumipat kami sa tapat nun, at dun na nagsimula ang inuman. First time ko lang ulit uminom ng beer kasi ang palagi ko ng iniinom yung The Bar. Ang bigat lang sa tyan, pero tinuloy tuloy ko pa din. Sinasabayan ko na lang ng candy para hindi masyadong mapait. Noong mga bandang 10:30, lumipat kami sa Eduardo’s sa may Voletz at medyo hilo na ako nun, buti nalang medyo inaalalayan din ako ni Pogs nun. Hahaha dun enjoy talaga kasi may kantahan at may entertainer. Kahit ba medyo green yung jokes nila, tawa pa din kami ng tawa. Enjoy lang talaga kasi ang dami namin. Kasama pa mga tech from UMC at MMC. Sana maulit yun! :) Ok lang kahit madaling araw nanaman ako makauwi ng bahay, baste enjoy life :)