Ngayon lang ulit ako magpopost ng text post. Ngayon lang ako sinipag magtype eh? Di ko nga alam kung bakit nagtatype at gising pa ako sa ganitong oras. Dapat kasi tulog na ako ng ganitong oras kasi may duty pa ako MAMAYA. Pero namiss ko magtype ng mahaba. Oh well so I enjoyed this day. Nagpunta ng SSCR para manuod at suportahan ang aking mahal na kaibigan na kasali sa pageant. At syempre todo suporta kami sa bawat pagrampa nya sa stage. Syempre, kaibigan eh! \m/ At hindi kami nabigo, kahit hindi man nya nauwi ang korona, naging First Runner Up naman sya at it’s not bad at all. I know she really tried her best sa pageant na yun at worth it na rin kahit hindi mismong title nakuha nya. Almost there. :) Nung nasa labas ng kami ng campus, kala ko uwian na, kasi nagkapaalaman na at nakauwi na din yung isa naming kasama. At dahil saktong birthday na ni Carren, sinalubong namin yun sa McDo. Yeaaaah libre food nanaman. At kumaen nanaman ako, OM. Ok lang minsan lang naman eh. :) Mga 12:40 nagkayayaan na umuwi dahil umaga na. Wala ng nadaan na jeep. Nagwalktrip kami at hinatid si Ish sa kanto nila at nagtricycle na kami ni Carren. So ayun, ganon ang naging takbo ng araw ko ngayon. Masaya kasi nakapagbonding ulit kami ng mga high school friends ko. Nakapagchikahan, nakapagtawanan at syempre hindi mawawala yung pang-iintriga nila sa buhay pag-ibig ko. Oh well, tunay nga silang kaibigan. Thank you guys! Marami pang kasunod to :)