Kung may pagkwentuhan man ako sa isa sa mga kaibigan ko, ibig sabihin lang nun hindi ko na kaya pang pigilan yung nararamdaman ko. Yung parang sasabog na yung dibdib ko. Dun na lang ako nagsheshare, at kapag nagtatanong na lang din sila, tinitignan ko talaga kung concerned ba sila or just plain curious lang bago ako magkwento. Kasi kapag naramdaman kong curious lang yung isang tao, hindi ako nagsasalita, pero pag naramdaman kong may concern talaga, no choice but to share.
Ako yung tipo ng tao na hindi mahilig magkwento ng mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko sa ibang tao. Kahit mga kaibigan ko, ganun ang pagkakilala sa akin. Ako lang yung tipo na ako yung palaging nakikinig sa mga kwento/drama/storya ng buhay nila, at ok na ako dun. Hindi ko alam kung bakit hindi ako madaling magshare ng mga nangyayari sa buhay ko sa ibang tao. Iilan lang yung mga pinagsasabihan ko, at piling pili lang. Mga isa o dalawang tao lang ang tunay na nakakaalam ng kwento ng buhay ko maliban kay Mudra, Ate at Pudra. Nakakatakot na kasi magtiwala. Yung tipong tiwalang tiwala ka sa isang tao na gawin mo na syang one and only best friend mo, pero dadating ang araw na mawawala na lang yung taong yun. Parang naisip ko, sayang. Sayang yung tiwala na maibibigay sa isang tao kung sasayangin lang. Kaya ngayon as in konti nalang talaga pinagkekwentuhan ko. Minsan sinasarili ko na lang. Ok na ko dun, kesa madisappoint nanaman ako sa ibang tao. Isa pa naman sa bagay na pinakaayaw kong mangyare or maranasan ay yung disappointment. Ayokong ayoko nyan. Noon hindi ko iniisip yung mga ganyang bagay eh, pero dahil na din sa mga nangyari sa buhay ko, bawat galaw ko ngayon, bawat sabihin ko, may dahilan. Mas maganda na yung ako nalang, ayoko na talagang madisappoint pa. Ayoko nang maulit pa. At hinding hindi ko na uulitin pa.
Tama. Sampung araw na lang, judgement day na namin. Handa na ba ako? Alam ko. Hindi pa. Hinding hindi pa. Sa pagrereview namin, feeling ko ang dami ko pang hindi alam. Ang dami ko pang hindi nababasa. Ang dami ko pang hindi namememorize. Ang dami ko pang principles na hindi alam. Pero ang saya sa feeling na bawat araw nadadagdagdagan yung information na alam mo. Wag lang sana ako ma-information overload, kundi lagot na. Araw-araw pinagdadasal kong tulungan ako ni God sa araw-araw na matandaan ko lahat ng binabasa ko, lahat ng nalalaman ko, lahat ng tinuturo saken. Alam kong kaya ko to, ayokong sumuko, para to sa katuparan ng isa sa mga pangarap ko. :)
Malapit na. Sana di na ako tamarin mag-aral. Sana hindi na ako tamaan ng antok tuwing magbubukas ng Bushong. Sana hindi ako nauurat kapag may isang topic akong hindi maintindihan. Sana hindi na ako maburaot sa dami ng relationship at chemicals sa Image Production and Evaluation. Fuck. HAHAHA
Will be held @MLQU and I dunno where the hell is that University. Hahaha. And I’m not yet freaking ready to take the examination…why? So lazy :(
I had a dream last night and…….it was you in it. I don’t why you’re there. I felt sad in my dreams, you texted me saying you’re ……………. and then you appeared with ……………….. I was shocked when I woke up this morning. I didn’t really expect to see you again…in my dreams.
Biglaang uwi because of that fvckn TOR. Hahaha. We badly need to get that sht because our time’s running out already. PRC’s deadline for Board Exam application is until May15 only and we’re not available on those date because it’s our fvckin Pre Board @ MLQU. HAHAHAHA So yeah goodluck.
So bakit nga ba?
Bakit nga ba tuwing nakikita kita naiirita ako?
Bakit nga ba tuwing napapalingon ako sayo nakatingin ka din?
Bakit nga ba makita ko lang yung likod mo alam kong ikaw na agad yun?
Bakit nga ba tuwing paparating ka na nababadtrip na ako?
Bakit nga ba makita ko lang mukha mo inis na inis na ako?
Bakit nga ba galit na galit ako sa presensya mo.
Sana matapos na tong review.
Paano ba maalis yun?
Bakit kaya ganun? Hindi ko maalis sa sarili ko yung galit ko sayo. Nag-uumapaw na yata sobra. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako namamansin ng tao, GALIT. Yung ibang dahilan? Nevermind. Sobra talaga. As in, galit na galit? Ewan. Di ko din maintindihan, basta HATE, ANGER. Worst? I will never ever talk to you again.
Sorry pero naiirita talaga ako kapag …………… Kaya ganito. Iritang irita ako dahil ………….. Sana ………………………………
Hi Mudra, I finally graduated in College after 4 years of hard work. I hope I made you proud :) Kahit hindi ka namain nakasama, I know, andyan ka lang sa tabi ko, tabi namin ni Pudra. Kung hindi dahil sayo, hindi ako magiging RT Student. Naalala ko noon pinipilit mo ako mag-entrance exam sa DLSHSI. Sabe ko pa sayo noon ayoko kasi mahal ang tuition at mapapalayo ako sa mga HS Friends ko. Pero you insisted, talo ako sayo eh. I never thought na magiging ganito kasaya ang College life ko. I’m very thankful sayo Mudra. Kung hindi dahil sayo, wala ako ngayon dito. Walang pangarap sa buhay. Walang kinabukasan. Maraming salamat dahil noong mga panahong sobrang gipit tayo sa pera dahil nagkasakit ka, pinilit mo si Ate na wag akong patigilin sa pag-aaral no matter what happens. At dahil dun, nag-aral ako maigi, wala akong binagsak na subjects, kahit mpaminsan-minsan tinatamad ako mag-aral, I make sure na papasa ako kahit ano mangyari, para sayo, para kay Pudra at para kay Ate. Ayokong madisappoint kayo sa akin.I hate disappointments. Kaya ngayon kahit nakakalungkot na noong Grade School lang kita last na nakasama sa Graduation, thankful ako na I had a mother like you, I’m very proud to be your BUNSO and Daughter. Thank you for all the sacrifices. Sorry for being childish, vindictive and a hard-headed child. I will love you forever, with Pudra and Ate. Thank you from the bottom of my heart. <3

YES! Finally wearing my Grad. Ring :>