Ayokong dumating ang araw na magsisisi ka. Ginusto mo yan. Ayoko dumating ang araw na malulungkot ka dahil nasaktan ka, pinili mo yan. Gusto ko lang ngayon, maging masaya ka, at alam ko namang masaya ka talaga ngayon. Ako rin, masaya na ako ngayon. Tulad nga ng sabe mo sakin noon, dadating din ang araw na kapag nagkita tayo, may ngiti na sa mukha ko. Hayaan mo, pag nagkita tayong ulit, may ngiti na talaga tong mukha ko. Maraming salamat huh? :)
Ilalagay ko lahat dito ng mga ala-ala nating dalawa. Baka sakaling makalimutan ko na sya kapag nailagay ko na sa iba tong mga to, at di ko na maalaala pa. :/ Mahirap man makalimutan lahat ng yan, sana unti unti ko na syang hindi maalala pa. May maidadagdag pa ako dito kapag may naalala pa ako. Sorry I posted something like this na para sayo ulit. Sorry. Pasensya na ha? Hindi to sunod sunod.
- Gelo.
- Talong.
- TOL.
- Animo Night (Jan 16,2009)
- 100th Airplane, 201st Airplane.
- Slept in your shoulder sa jeep.
- First holding hands sa ilalim ng jacket kahit hindi pa tayo.
- First movie natin (Haunting in Connecticut yata yung title.)
- January 23, 2009*
- Mine.
- First Kisses.
- First Hug.
- Purple.
- Black Forest Zagu.
- Friomixx- First time mo kong dinala dyan, tapos nitreat mo ko.
- Flyover or Overpass, remember?
- Imus.
- Lotus Mall.
- Sakayan sa tapat ng Lotus Mall.
- Kenny Roger’s.
- Mang Inasal-Rob Imus.
- BK.
- Horror movies we watched online kahit magkalayo tayo.
- Pink Panther.
- Monsters vs Aliens.
- Whopper Jr.
- Egg white na binibigay ko sayo kasi hindi ako nakain nun.
- SM Bacoor. Yung laging tagpuan sa gilid.
- Minute Burger every morning.
- Chicken Skin.
- Yellowcab.
- Red Ribbon.
- Beb.
- Bebi ko.
- Dah.
- Deng.
- M.
- Popcorn.
- Centrum.
- Loving Heart.
- Jamillet.
- Necklaces (Bday Gift & Christmas Gift)
- Valentines Day 2009 (Bouquet)
- Mudra :(
- Jeepney ride laging sa tabi ng driver.
- Fever.
- Pigsa :P
- Miss Health Care.
- Alvin and the Chipmunks.
- Despicable Me.
- Minions!
- Transformers.
- Harry Potter (Imax)
- Gulliver’s Travel.
- Tron.
- PANDA!
- Spongebob.
- Yung ilong mo.
- Yung pagnganga mo pag natutulog ka.
- Sundo sa dorm ko every morning.
- Love letters ko sayo.
- 17th Bday mo (Spongebob Shirt+23 Heart Notes.)
- 18th Bday mo (Wallet)
- 19th Bday mo (Wallet + 3 pink roses)
- 1st and 2nd Anniversary.
- YOUR HUG. Alam mo yan. Yung pinakagusto mong hug ko sayo.
- Real Steel.
Bakit pa ba kita binilhan ng regalo? Eh wala ka na namang pakialam sa akin. Bakit ba kasi naalala pa kita noong nakita ko yun. -____- Di ko alam kung kelan ko mabibigay sayo to, or kung mabibigay ko pa sayo to. Wala lang to, naalala lang naman kita kaya binili ko to.
Natuto akong magbago.
Natuto akong mag-isa.
Natuto akong maging masaya ng mag-isa.
Natuto akong kilalanin maigi kung sino ang mga TUNAY kong kaibigan.
Natuto akong magmahal.
Natuto akong magsacrifice.
Natuto akong magparaya.
Natuto akong masaktan.
Zagu — Yung Black Forest.
Thank you for all the memories we had. Thank you for all the happy moments with you. Thank you for always being there for me when I needed you. Thank you for making my life worth living. Thank you for being my bestfriend, and boyfriend as well. Thank you for your shoulder when I cry. Thank you for all the efforts. Thank you for loving me. Thank you for showing me what true love is. Thank you because once in my life I met a guy who changed my life. Thank you because I learned what’s pride, love, and jealousy. Thank you for having me in your life for 2 years and 6 months. Thank you. I will absolutely miss you. I will never forget you, ever.
I did all my best, efforts and sacrificed everything just to save our relationship and just to have you again. But I guess, it’s just not enough for you. Mas pinili mo ang ibang tao, kesa sa isang taong handa ibigay at ilaan lahat ng pagmamahal para sayo, yung taong handa gawin lahat lahat maging ok lang kayo, at yung taong mas kilala ka na, at pasikot sikot ng pagkatao mo. Pero mas pinili mo sya.
:’c
Ang taong ito ay nakapagbigay sakin ng sobrang kasiyahan, kalungkutan, kasasabikan, at kung ano ano pang feeling. Simula pa lang ng taong yan eh masaya na dahil January, January ang 2nd anniversary namin. Syempre masaya, nagcelebrate kaming dalawa. Madaming mga nangyari sa unang bwan pa lang. Pagdating ng February ganun pa din, medyo nasasabik na kami ng panahon na yan dahil malapit na kami maginternship kapag naipasa namin yung Thesis namin. At thank God naman talaga at nakapasa kami! :) March naman puro exams na, syempre kelangan ulit namin makapasa sa mga exams dahil kapag hindi, hindi kami makakapaginternship. Kasi after 3years, internship talaga ang pinakaaabangan ng mga RT Students ng La Salle, syempre kasi kakaiba kapag feeling mo nasa field ka na talaga diba? :) Pagdating ng April, bigayan ng grades, at nakapasa kami! Hindi man lahat sa tropa namin, eh masaya pa din kami dahil halos lahat kami eh magiintern naaaa! Naassign sa iba’t ibang hospitals, at nalungkot ako dahil naassign ako sa Cebu (Perpetual Succour Hospital). Excited kasi kakaiba kapag napunta sa ibang lugar, at nakakalungkot kasi magkakahiwalay na ang tropa namin. Minsan na lang kung makakagala. Nagstart ang internship namin ng April 11. Lahat kami ay excited sa kanya kanyang hospital na magsimula. Kanya kanyang kwento tuwing Friday. Malungkot pa din ako dahil alam kong mapupunta ako sa malayong lugar at maiiwanan ko sya. Habang tumatagal, nageenjoy na kami sa ginagawa naming pagduduty sa hospital. Madaming natutunan, madaming kalokohan, madaming nakilala. Kakaibang experience talaga! Pagdating ng June, medyo nararamdaman ko na ang malapit na pagpunta ko ng Cebu. Minsan na lang kami magkasama, kasi busy na sa duty. Hindi pa minsan magkatugma ang oras. :( July na! At konting araw na lang at aalis na ako. Nakakalungkot talaga dahil talagang sinusulit na namin ang bawat araw at oras na magkasama kami. Kahit hindi ko sya nakita before ng flight ko eh ok lang dahil magkatext pa din kami. Pero nakakalungkot talaga :( Mahirap mapalayo sa mga taong mahal mo ng ilang bwan. Sa bwan din na to nagkaroon ng problema, misunderstandings, away, selosan, tampuhan at birthday ko. Malungkot yung Birthday ko kasi hindi ko sya kasama at magkaaway kami. Dumating ang August, sobrang lungkot ko na sa Cebu at gustong gusto ko na umuwi ng time na yan, :( Dyan din natapos lahat lahat sa amin. :( Mahirap, kasi kahit gusto kong makipagayos sakanya, ang hirap ng nasa malayo ka. Ginawa ko lahat ng effort para makausap sya, tinawagan, tinext. Kaso wala eh. :( Sumuko agad sya. :( Noong September na, excited na excited na akong makauwi. Syempre para magkausap na din kami. Gustong gusto ko na syang makita noon. Gustong gusto ko na makasama. :( Noong October, nagkakaroon ng pagkakataon na nakakapagkita kami at nakapaggala pa sa Glorietta. Pero hindi pa din kami, pero yung sweetness andun pa din, yung holding hands, yakapan, at syempre ang mga unexpected kisses. So far naging masaya ako kahit papaano. Kasi kahit konti, naramdaman kong mahalaga pa din ako sakanya, kahit hindi na kami. Napapaisip na lang ako ng ano ba talaga? Ang gulo ng nangyayari. Pagdating ng November, hindi na kami masyadong nakakapagkita. Siguro naiwas na din sya? Ewan ko. Ang daming kasing epal sa paligid. Ang daming kwento. Ang daming issue, tungkol sa aming dalawa at sa ibang tao. DECEMBER—-pinakahindi ko makakalimutang month ng 2011. Dito ko naramdaman talaga lahat ng sakit. Bumuhos ng sobra yung mga luha ko. Dahil sa month na to nalaman kong may iba na syang gusto. Sobrang sakit kaya marinig sa taong sobrang minahal mo na may gusto syang iba. Idagdag mo pa yung mga taong paulit ulit pinapaalala saken lahat lahat sa aming dalawa. Kahit gustuhin kong magmove on, hindi ko magawa dahil araw-araw naalala ko sya, kahit anong gawin ko, kahit san ako magpunta. :( Neto ko lang din nalaman na nililigawan nya na din yung girl. :( Sobrang gumuho yung mundo ko. Kahit yung pasko at bagong taon ko naging sobrang malungkot. Hindi ko naeenjoy ang araw. Gabi gabi akong naiyak. Biruin mo, nagpunta pa ako ng Baclaran Church dahil sa sobrang lungkot ko, at wala na akong ibang masabihan ng sakit ng nararamdaman ko kundi si God na lang. Ginawa ko lahat ng makakaya ko, kaso parang hindi na talaga nya gusto pa. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng lumayo. Pero bakit ang hirap hirap mo mawala sa isipan ko? :/
Sana maging maganda ang dating ng 2012 sakin. Sana ngayong taon, magawa ko lahat ng gusto kong gawin. Makamit ko lahat ng gusto kong makamit. Mapuntahan ko lahat ng gustong puntahan. Makalimutan ko lahat ng gusto kong kalimutan. Mawala lahat ng sakit na gusto ko ng mawala sa puso’t isipan.
Thank you 2011, madami akong natutunang aral at kwento sayo. Natutunan kong hindi lahat ng kaibigan mo eh mananatili at magiging totoo sayo. Hindi lahat ng gusto mong makasama habang buhay eh makakasama mo till the end. Hindi lahat ng masasayang bagay eh forever na, yung iba once upon a time na lang. :(
Kahit pilitin mong hindi isipin, dadating at dadating ang panahon na maalala mo lahat. Lahat lahat. As in lahat lahat ng mga nangyari sa buhay mo, kasama sya. Wala ka na lang magawa kasi hanggang dun ka na lang, hanggang ala-ala ka na lang. Kahit gusto mong makasama sya ULIT, hanggang dun ka na lang talaga.
Lalo na kung ginawa mo na lahat, kaso wala pa din eh. :(
Bakit ba kasi mas kelangan piliin yung ibang tao kesa sayong ilang taong nakasama at mas kilala na. :/ Di ako makatulog kakaisip. Fck. Samantalang sya, mahimbing na ang tulog, walang iniisip. Kung sinubukan mo lang, hindi sana mangyayari to. :( Life is so unfair. Kung sino pa yung tunay na nagmamahal, sila pa nasasaktan. :’c WHY?